> bhatnogs said on
07-09-2009 at
06:18:
sana ganyan pa rin kaganda ang pilipinas ngayon... wag na ung pananamit ^o^ mainit kc yan isuot wew...ang sarap maglakad sa labas ng bahay kung ganyan kaganda ang mga tanawin ^o^
> laranjo123 said on
07-04-2009 at
07:32:
putang ina eto solid walang maiitatapat sa ngayon legendary sana nabuhay na lang ako non wala bisyo buysit ngayon dami eh
> lingling1940 said on
06-22-2009 at
02:30:
Napakagandang awitin.Tunay na yaman ng bansa!
> fred0322 said on
05-03-2009 at
12:20:
akoy isang tagapakinig lamang bagamat lahat ng aking narinig sa ibang dako ng tinig puso koy di wari'y para bang lumuluha sa gada ng nakaraan mga kumpas ng tunog ng sinaunang tinig wow tol walang biro ang ganda pala talaga ng sinaunang musika parang gusto kong mabuhay sa bakaraan
> embesilio said on
04-17-2009 at
18:39:
minsan sumagi sa akig isipan bakit ako nakikipag-sapalaran sa ibayong dagat at mawalay ng matagal sa aking bayan. at malungkot ng mahabang panahon..ako ba ay nag-iisa . ako lang ba ang lumayo upang magibang bayan? o dahil sa kinalimutan ko na talaga ang aking bayan.. sa aking pag-tulog ako ay innaawitan ng awit ng kundiman.. minsan ay naluluha. minsan naman ay natutulala.. hinahanap ko ang nakalipas na magandang bayan maari pa ba akong magbalik? sino ang kukupkop sa akin.
> embesilio said on
04-17-2009 at
18:31:
sa aking pag-iisa ni minsan ay di mawaglit sa aking isipan ang bayan na aking minamahal..kung ako ay maghirap at sa ibayong dagat malagutan ng hininga..hinihiling ko na sa bayang walang kasingganda duon ako hihimlay upang.. muling makasama ang aking mga mahal sa buhay. di man palarin sa lupang hindi sa akin may bayan pa naman na sa akiý tatangkilik. sa bayang dinadaluyan ng kahirapan handa akong magtiis, abutin man ng takipsilim sa kinabukasan may ningning pa rin. pilipinas kong mahal.
> redsoil5 said on
02-17-2009 at
04:54:
Nang ang mga Kano ay naparito sa Pinas ay lahat halos ng gawi nila ay nakuha natin pati na ang pagsusuot ng maong ng mga kababaihan.Ngayon naman ay rap at gang ang nauusong gayahin ng mga Pinoy.bakit hindi natin gayahin ang mga gawi ng mga Kano hinggil sa kalinisan,kagandahan ng paligid at pangangalaga sa kalikasan?
> erehes said on
02-01-2009 at
21:24:
kinabukasan ay hinintay ni Erehes ang mamang cutchero kasama ang kaklase niyang si Chonga isang mestisong chinohanggang sa abutan na sila ng hapon hindi dumating ang cutchero..kaya umuwi na lang si Erehes na umiiyak..dahil sa naniwala ito sa pangako ng matandang cutchero. hanggang sa lumiliban na si Erehes sa escuela, kasama ang batang chino..naglalaro na lamang sila sa kalye at hindi na pumapasok sa paaralan.. hanggang sa dumating ang mamang cutchero at isinakay sila sa caromata.
> erehes said on
02-01-2009 at
21:18:
sumagot ang bata kinakausap ko po ang pader tinatanong ko ang pader kung ano ang nangyari noon sa pook na ito..tumawa naman ng malakas ang mamang cutchero, at sinabi kay Erehes kung ito ay nalilipasan ng gutom o hindi nagalmusal bago pumasok, dahil sa mahal ni Erehes ang kasaysayan ng mga naunang nanirahan dito sa Binondo kaya sinabi ng matandang cutchero na hayaan mo bukas mabait na batang Erehes bukas ay magsasalita ang pader na iyong kinakausap..
> erehes said on
02-01-2009 at
21:12:
naging palaisipan sa mga bata isa na rito si Erehes, ang mga nangyari noon kay Maria. isang tagpo sa buhay ni Erehes nasa grade four 1971 habang naglalakad si Erehes ay sinusundan siya ng isang caromata, at ang kutchero ay si mang Fedrico, laging pinagmamasdan ngg cutchero si Erehes dahil sa madalas nitong idinidikit ang tainga nito sa lumang pader at nagsasalita sa bahay ng isang kastila sa binondo. lumapit ang cutchero sa kanaya at tinanong kung bakit niya kinakausap ang pader,
> erehes said on
02-01-2009 at
21:03:
beaulah maraming salamat sa iyo, sige ang kasaysayan ng Rosas ay nagsimula noong 1867 isang mestizang kastila na ang pangalan ay Maria Buenavidez Borja umibig sa lalaking kayumangi ang kulay na tiga ascaraga tondo manila isang anak dalita..nagsimula ito noong 1971 sa paaralan ng pedro guevarra elelm sch, sa san fernado st binondo manila, may talong bata ang nakabasa ng isang libro sa isang silid aklatan diyan sa Numaciainiingatan ito noon pa ng isang babaing librarian. ang libro ni Maria..
> beaulahHadassah said on
02-01-2009 at
19:32:
erehes,May video ka ba sa Balagtasan o Pala-tulaan? Napakaganda ang mga ala-ala mo sa iyong mala-romansang naka-raan.Kung mamarapatin mo, gusto kung ihahanay ang lahat ng mga sinulat mo ito dito sa porma ng tula. Tapos ang kundiman ni TaytayDOS ang siyang background. Sarap para ka na ring nakikinig sa radyo, lalo na si Tiya Dely!
> erehes said on
02-01-2009 at
19:21:
tuwing aking bakasyon sa filipinaz ang pook na ito ang aking binabalikan dahil ang mga bakas ng aking kahapon ay naririto pa, nilalakaran kong muli ang mga daan na siyang nagbigay sa akin ngkaligayahan..sa aking huling paguwi ang tulay na bakal ay wala na..ang lumang bahay na tisa na aming pinaglalaruan ay wala na rin ngunit ang kahapong lumipas ay ibinabalik muli ng pag-asang nabubuhay dahil sa mga tugtuging itona awiting walang kupas, maraming salamat sa iyo kung sino ka man
> erehes said on
02-01-2009 at
19:15:
dito ako lumaki at nagkaisip dito ko rin nakilala ang rosas na aking minahal sa pook ng binondo kaya lang wala na siya hinihintay ko ang kanyang pangakokapag ang rosas na natuyo sa aking diary at muling nanariwa ibig sabihin siya ay nagbalik.. ang pook na ito ay siyang saksi sa aming pagmamahalan..maraming salamtat sa iyo tatay dos.. muli nanamng nabuhay ang alaalag kaytagal ng lumipas..napakalungkot dahil sa wala na ang mgamakasaysayang pook sa bayan ko..sayang...
> beaulahHadassah said on
02-01-2009 at
06:35:
I was in Grade 3 when I first heard this song in English. I really admire the graphics that you incorporate in your musical blog. Pwede bang mag-pa-enrol?
> reynaldopacheco said on
11-18-2008 at
13:23:
ako din po ay lubos na nag papasalamat sa iyo TaytayDos..sana po ay marami pang kundiman na maipakita dito sa ating makabagong panahon..upang mamulat naman ang mga kabataan sa kagandahan ng ating sariling awitin...maraming salamat po sa inyo...at sanay wag mawala ang magagaling na mangaawit ng kundiman ng taytay...
> nuel63 said on
08-23-2008 at
12:34:
Nais kitang pasalamatan TaytayDOS sa napagandang "AVP" nagawa mong ito. Saan mo ba nakuha ang mga larawang ginamit dito? Ganito pala ang hitsura ng Maynila at ng mga Filipino noong araw. Kay saya...simpleng pamumuhay...walng pulyusyon...walng kurapsyon. Ang ilog pasig,,,napaka-linis pa.Sana ay sa panahong ito ako ipinanganak. Kahang-hanga ang nagawa mong ito. Mabuhay ka.MANNY FERRER - Sorsogon City